Dagupan City – Nagsagawa ang Dagupan City Police Office (CPO) ng isang sorpresang drug test sa lahat ng kanilang personnel bilang pagpapatibay sa kampanya kontra ilegal na droga at pagpapalakas ng disiplina sa hanay ng kapulisan,
Pinangunahan ni Police Colonel Orly Z. Pagaduan, Officer-in-Charge City Director, ang aktibidad na ginanap sa Dagupan City Police Office (DCPO), ABF West, Poblacion Oeste.
Boluntaryong nakilahok ang mga pulis sa pagsusuri bilang tanda ng kanilang suporta sa malinis at tapat na paglilingkod sa publiko.
Mahigpit na sinigurado ng Provincial Forensic Unit ang integridad ng proseso ng drug testing, mula sa tamang pamamaraan ng pagkuha ng urine samples hanggang sa pagsusuri nito, upang maiwasan ang anumang pagdududa sa resulta at mapanatili ang mataas na pamantayan ng propesyonalismo.
Bahagi ng sorpresang drug test ay ang Integrity Monitoring Program, isang pangunahing prayoridad sa ilalim ng PNP Focused Agenda.
Layunin ng programang ito na palakasin ang disiplina, pananagutan, at transparency sa lahat ng yunit ng Philippine National Police.
Saklaw nito ang lahat ng personnel, anuman ang ranggo o assignment, at ang sinumang hindi makilahok nang walang sapat na dahilan ay maaaring maharap sa aksiyong administratibo.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na pinatutunayan ng Dagupan CPO ang kanilang pangako sa isang malinis, responsable, at mapagkakatiwalaang kapulisan para sa kapakanan ng publiko.










