DAGUPAN CITY- Nababalot na ng namumuting nyebe at mga dekorasyon ang Croatia ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Grace Reyes, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa tuwing paglabas niya sa kanilang pamamahay ay bungad na agad ang mga kumukuti-kutitap na mga christmas lights.

Aniya, sa nalalapit na pasko, tampok naman na puntahan ng mga tao ang kapital ng bansa, ang Zagreb, dahil na rin sa marami ang maaaring mabili.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Reyes na pagdating naman sa pagkain, mahilig ang mga Croats sa matatamis at hindi ito nawawala sa kanilang inihahanda.

Nagkakatulad lamang sa Pilipinas ang pagluluto nila ng lechon at nag-iinuman.

Ibinahagi ni Reyes, bagaman inaasahan niyang naka-duty siya sa araw ng pasko sapagkat sa health care siya nagtatrabaho, hindi pa rin nawawala ang pagsasama-sama nilang mga Pilipino upang magsalo-salo.

Aniya, hindi nawawala sa kanilang mga inihahandan pagkain ay ang mga tipikal din na nakikita sa paskong Pilipino.