Mga kabombo! Isa ka ba sa mga nagnanais na magdonate ng Sperm?

Ang tanong, nakasisiguro ka bang clear ito at walang dalang kahit anong nakapipinsala?

Paano ba naman kasi, isang napakalaking eskandalo ang bumulaga sa Europe matapos matuklasan na isang sperm donor mula Denmark ang aksidenteng nakapagpasa ng isang bihirang genetic mutation sa 200 mga bata!

--Ads--

Kinilala ang donor na si alyas “Kjeld,” kung saan ay nagdala ito ng mutation sa TP53 gene na nagdudulot ng Li-Fraumeni syndrome.

Ang kondisyong ito ay nagpapataas ng risk na magkaroon ng cancer.

Ipinaliwanag ng mga eksperto na mismong ang donor ay malusog at hindi alam ang kanyang kondisyon dahil nasa piling sperm cells lamang niya ang mutation.

Sa kasamaang palad at hindi inaasahang pagkakataon, naipasa niya ito sa kanyang mga biological child nang ipamahagi ng European Sperm Bank ang kanyang samples sa 67 klinika sa 14 na European countries mula 2006 hanggang 2022.

Lumabas din na nilabag ng European Sperm Bank ang mga limits sa dami ng anak.

Dito na napag-alaman na walang centralized database sa Europe pagda­ting sa sperm donors kaya patuloy na naibebenta ang sperm sa iba’t ibang bansa nang walang nakaaalam sa tunay na bilang ng mga bata.

Dahil dito maraming bata na ang nagkaroon ng multiple cancers at ang ilan ay namatay na sa murang edad.

Ang mga nabubuhay naman ay kailangang sumailalim sa habambuhay na screening dahil anumang oras ay maaari silang tamaan ng sakit.