Arestado ang dalawang katao matapos makumpiskahan ng mga awtoridad ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na halos P700,000 sa ikinasang anti-illegal drugs operations sa Urdaneta City.

Ayon sa ulat, ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 10 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 100 grams at nagkakahalaga ng P680,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang sangkot sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.