Nakatakdang magbigay ng masaya at makulay na pagsalubong sa bagong taon ang pamahalaang bayan ng Basista sa pamamagitan ng isasagawang 2026 New Year Fireworks Display at Street Bazaar sa Enero 1, 2026.
Kaugnay nito, inanunsyo ng lokal na pamahalaan na magsisimula ang rehistrasyon para sa Street Bazaar sa Disyembre 19, 2025. Bukas at prayoridad ang pagpaparehistro para sa lahat ng negosyante mula sa bayan ng Basista bilang bahagi ng pagsuporta sa lokal na kalakalan at kabuhayan.
Layunin ng aktibidad na hindi lamang maghatid ng kasiyahan sa pagsalubong ng bagong taon, kundi pati na rin magbigay ng oportunidad sa mga lokal na negosyante na maipakilala at maibenta ang kanilang mga produkto sa mas maraming mamimili.
Inaasahang dadagsa ang mga residente at bisita sa nasabing selebrasyon, na magtatampok ng masiglang street bazaar at makapigil-hiningang fireworks display bilang hudyat ng pagsisimula ng taong 2026.










