Ipinakita ng Pamahalaang Bayan ng Sta. Barbara ang matibay nitong kahandaan at husay sa disaster risk reduction matapos itong kilalanin sa Regional Awarding Ceremony ng Gawad KALASAG na ginanap kamakailan sa Bauang, La Union.

Sa seremonyang nagbibigay-diin sa kahusayan sa Disaster Risk Reduction and Management at Humanitarian Assistance, ginawaran ang Sta. Barbara ng Beyond Compliant (Excellence) Award, na iginawad sa mga lokal na pamahalaang nakapasa at nagpakita ng natatanging performance sa pagpapatupad ng mga programang pangkahandaan at pagtugon sa sakuna.

Tinanggap ng lokal na pamahalaan ang parangal sa pamumuno ng alkalde ng bayan na si Mayor Carlito Zaplan, kasama ang Head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na si Raymondo Santos.

--Ads--

Kinilala ng mga tagapagpatupad ng Gawad KALASAG ang patuloy na pagsusumikap ng Sta. Barbara sa pagpapatatag ng resilient governance, episyenteng disaster preparedness, at mabilis na humanitarian response na naglalayong matiyak ang kaligtasan ng mamamay