Dagupan City – Bumaba ang kabuuang crime rate sa San Carlos City batay sa paghahambing ng datos mula 2024 hanggang 2025, kung saan malaking porsiyento ng mga focus crime ang naitala na may pagbaba, ayon sa ulat ng San Carlos City Police.

Ayon kay PCapt. Aldrin Tamayo, Operations Officer ng San Carlos City PNP, ang bilang ng kaso ng murder ay bumaba ng 40 porsiyento mula limang insidente noong 2024 hanggang dalawang kaso ngayong 2025, habang nanatili sa iisang kaso ang homicide.

Ang physical injury ay bumaba rin ng 31 porsiyento. Ipinakita rin sa talaan na ang kaso ng rape ay halos kalahati ang ibinaba, mula 23 noong nakaraang taon ay naging 11 na lamang ngayong 2025 o katumbas ng 48 porsiyentong pagbaba.

--Ads--

Aniya na ang robbery ay mula apat na insidente ay bumaba sa isa, habang ang theft at robbery ay may kabuuang pagbaba na 20 porsiyento. Tanging ang motornapping ang tinukoy na may pagbabago, bagama’t mula anim na insidente noong 2024 ay naging tatlo na lamang ngayong taon.

Sa mga vehicular incident, ang reckless imprudence resulting to homicide ay bumaba mula 11 kaso hanggang apat, o katumbas ng 36 porsiyento. Ang reckless imprudence resulting to physical injury ay bumaba rin ng 56 porsiyento.

Samantala, ang reckless imprudence resulting to damage to property ay tumaas ng 200 porsiyento mula dalawang insidente ay naging apat ngayong taon.

Dagdag niya na ang dahilan ng pagbaba ng focus crime rate sa pinaigting na police visibility at tuloy-tuloy na deployment ng mga pulis sa mga pangunahing kalsada at komunidad.

Aktibo rin ang koordinasyon, dayalogo sa mga residente, at ang pagpapatupad ng Oplan Sita sa pamamagitan ng mga checkpoint, lalo na tuwing gabi.

Patuloy namang tiniyak ng San Carlos City PNP ang mahigpit na pagbabantay, regular na superbisyon sa mga tauhan, at ang presensya ng mga pulis sa mga itinalagang standby points upang maiwasan ang anumang insidente at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lungsod.