DAGUPAN CITY – Nasawi ang 2 katao habang walo ang kritikal ang kondisyon matapos ang naganap na pamamaril sa Brown University sa Rhode Island sa Estados Unidos.

Agad na dinala ang mga biktima sa Rhode Island Hospital.

Sa ngayon ang mga nasugatan ay nasa maayos nang kondisyon sa ospital, ngunit nagbabala si Mayor Brett Smiley ng Providence na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga biktima.

--Ads--

Nakatakas ang suspek na inilarawan na nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa na tumakas nang naglalakad.

Isang tao ang inaresto ngunit kalaunan ay pinalaya matapos matukoy ng pulisya na wala siyang kinalaman sa pamamaril.