Dagupan City – Inumpisahan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang River Rehabilitation and Flood Mitigation Project bilang solusyon sa lumalalang problema ng pagbaha sa lalawigan tuwing may mga bagyo at malalakas na pag-uulan.
Matatandaan na nitong August 22, 2025, inilunsad ng Pangasinan, sa ilalim ng pamumuno ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DNER), Mines and Geosciences Bureau (EMB), Congressional Districts, at mga LGUs ang naturang proyekto.
Sa pamamagitan ng River Rehabilitation and Flood Mitigation Project, isasagawa ang desiltation o pagpapalalim at paglilinis ng mga pangunahing ilog sa lalawigan. Agad sinimulan ang proyekto sa mga bunganga ng mga coastal rivers gamit ang malalaking barko upang alisin ang mga naipong putik, burak, buhangin at iba pang sediment sa mga ilog, na siyang dahilan ng pag-apaw nga mga pangunahing ilog sa lalawigan.
Batay sa DENR Administrative Order No. 2020-07, ang de-siltation ay isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan nang walang gastos, dahil ito ay sasagutin nang mga priibadong katuwang na partner.
Dagdag pa rito ang inaprubahang Provincial Ordinance No. 349-2025 ng Sanggunian Panlalawigan na nagtakda ng regulasyon para sa river reforestation at iba pang proyekto upang mapangalagaan ang mga ilog.
Tinitiyak ni Governor Guico, na isasagawa ang River Rehabilitation and Flood Mitigation Project alinsunod sa lahat ng mga umiiral na batas pangkalikasan. Kasama sa programang ito ang rehabilitasyon ng ilog at daluyan ng Agno River, Sinucalan River, Cayanga River, Pantal River, at Limahong Channel.










