Dagupan City – Bahagyang tumaas ang bilang ng mga turistang dumadagsa sa mga coastal areas ng Pangasinan, partikular sa San Fabian at Lingayen.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, Operations Supervisor ng lalawigan sinabi nito na patuloy ring pinupuntahan ang mga tourist attractions tulad ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag at ang mga pailaw-ilaw na atraksyon sa iba’t ibang bayan.

Sa kabila ng pagdagsa ng mga bisita, nakabantay naman ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang mamonitor ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

--Ads--

Nagpaalala rin ang mga awtoridad sa mga posibleng sakit na maaaring makuha sa mataong lugar, kabilang ang personal na kondisyon tulad ng mataas na cholesterol at hypertension.

Dahil dito, hinikayat ni Chiu ang publiko na panatilihin ang balanseng pagkain at regular na ehersisyo bilang bahagi ng pag-iingat.

Samantala, nagpaalala rin aniya ang Bureau of Fire Protection (BFP) na tiyaking naka-off ang mga electrical appliances bago umalis ng bahay upang maiwasan ang insidente ng sunog.

Patuloy namang pinaiigting ng lokal na pamahalaan ang kampanya para sa kaligtasan at seguridad ng mga bisita at residente ngayong mas marami ang bumibisita sa lalawigan.