Dagupan City – Naghahanda ang kapulisan ng Mangatarem para sa inaasahang pagdami ng mga tao ngayong papalapit ang holiday season.
Iniulat ni Pmaj. Arturo Melchor, OIC ng Mangatarem Police Station, na tututukan ng mga pulis hindi lamang ang mga simbahan kundi pati ang town plaza, lalo’t binuksan na ang Christmas lights display na karaniwang dinarayo ng mga residente at bisita.
Inaasahang lalo pang dadami ang dumadalaw sa mga susunod na linggo kaya’t magdadagdag ng mga tauhan at magpapatupad ng mas presensiya sa mga lugar na mabilis kapitan ng abala at siksikan.
Bahagi ng paghahanda ang pagpigil sa mga insidente ng pananamantala, kabilang ang mga kaso ng pagnanakaw na madalas nagiging problema kapag masikip at matao ang mga lugar.
Sa ngayon, nakapagtala na ng insidente ng pagnanakaw ang Mangatarem ngayong buwan kung saan isang magkasintahan ang tinukoy na suspek. Agad silang natunton matapos makatulong ang mga rumespondeng residente.
Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat, lalo na sa mga matataong pasyalan ngayong kapaskuhan.








