Dagupan City – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang isang lalaki sa lungsod ng Dagupan

Nag-ugat ito sa reklamong Less Serious Physical Injuries na isinampa laban sa suspek, na may inirekomendang piyansa na P36,000.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Lunes, December 1 ay naaresto ito
mga awtoridad sa Barangay Poblacion Oeste.

--Ads--

Matapos ang kanyang pagkakadakip, sumailalim muna sa medikal na pagsusuri ang akusado bago dinala sa kustodiya ng Dagupan City Police Office para sa kaukulang disposisyon