Isinagawa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen, sa pangunguna ni FSINSP Arlyn G. Diwag, Municipal Fire Marshal, ang isang Public Address kaugnay ng kampanyang OPLAN Paalala Iwas Paputok 2025 sa Barangay Libsong, Lingayen, Pangasinan.
Layunin ng naturang aktibidad na paalalahanan ang mga residente tungkol sa tamang pag-iingat ngayong papalapit ang kapaskuhan—panahon kung saan tumataas ang mga insidente ng sunog at aksidente dulot ng paggamit ng paputok. Tinalakay ng BFP ang mga pangunahing hakbang sa fire safety, kabilang ang mga dapat iwasan at ang kahalagahan ng agarang pagreport sa anumang insidente.
Ang BFP Lingayen ay patuloy na isusulong ang kampanya laban sa paggamit ng iligal at mapanganib na mga paputok upang matiyak na magiging ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng bagong taon sa buong Lingayen.
Inaasahang magpapatuloy ang serye ng Public Address ng BFP Lingayen sa iba pang barangay sa mga susunod na araw bilang bahagi ng kanilang intensified information drive.










