DAGUPAN CITY- May pagkakaiba sa pamamaraan ng mga Irish sa pagdiwang ng kapaskuhan kung ikukumpara ito sa Pilipinas.

Ayon kay Rhea Kelly, Bombo International News Correspondent sa Ireland, malaking pagkakaiba sa nasabing bansa ay gabi ng December 25 nagkakaroon ng selebrasyon ang mga Irish.

Aniya, isang tradisyon sa Ireland ang magkaroon ng Christmas Breakfast at kasunod nito ang pagbubukas na ng mga regalo.

--Ads--

Pagdating naman ng gabi, tampok sa mga Irish ang mga pagkain tulad ng Turkey, Ham, mga gulay, at pretzels.

Sa loob ng 5 taon ni Kelly na magpasko sa Ireland, hindi aniya nawala sa kanila ang mga nakagawian ng mga Pilipino tuwing pasko, tulad ng mga kilalang pagkain na inihahain.

Nagkakaroon din aniya ng aktibidad ang mga Filipino Community upang ipagdiwang ang kapaskuhan.

Samantala, hindi tulad sa Pilipinas, tuwing unang linggo ng Disyembre lamang nagsisimulang magkabit ng christmas decoration sa Ireland.