Dagupan City – ‎Nananawagan ang Pamunuan ng Barabgay Tebeng sa lungsod ng Dagupan sa pamahalaang panglunsod na idaan umano sa barangay ang pamamahagi ng ayuda.

Ayon sa Brgy. Chairman na si Gomez, pangatlong pagkakataon na itong nangyaring may distribusyon ng tulong na direktang ibinibigay sa mga residente nang walang abiso sa kanilang tanggapan.

Ipinunto ng barangay chairman na tila may halong pamumulitika kaya ganun nalang ang pag-iwas ng lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa barangay.

Dagdag niya, Hindi lamang daw sa relief distribution ito nararanasan, kundi maging sa iba pang serbisyo tulad ng benepisyo para sa mga senior citizens at Scholarships sa barangay.

Kaya naman, nanawagan ang pamunuan ng barangay na unahin ang maayos na koordinasyon upang maiwasan ang kalituhan sa mga residente, lalo na’t ang mga ganitong aktibidad ay may direktang epekto sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Giit ni Gonzales, mas magiging maayos ang daloy ng serbisyo kung malinaw ang takbo ng komunikasyon sa pagitan ng barangay at lokal na pamahalaan.

Punto ng barangay, kailangan ng pantay na pagtrato sa lahat ng benepisyaryo upang matiyak na nakararating ang tulong sa mga residente. Sa ngayon, umaasa silang mare-resolba at maibabalik ang mas organisadong sistema sa pamamahagi ng mga serbisyong kinakailangan ng komunidad.

--Ads--