Dagupan City – Pinaigting ng mga guidance counsellor at guidance designates sa Calasiao Comprehensive National High School ang kanilang program monitoring activities upang maiwasan ang pagkaladkad ng mga estudyante sa paggamit ng ipinagbabawal na droga o iba pang iligal o masamang gawain.
Ayon kay Principal Carina Untalasco, gumagamit sila ng regular na monitoring tools, panayam, at pakikipag-ugnayan sa komunidad upang agad matukoy ang mga kahina-hinalang indibidwal at posibleng impluwensiya sa mga kabataan.
Aniya na biang bagong opisyal sa nasabing paaralan, ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa kasanayan ng guidance designates na mabilis nakakakuha ng impormasyon at nakakakita ng mga senyales ng posibleng paglabag.
Mahigpit umano nilang minomonitor ang mga estudyante upang matiyak na malayo ang mga ito sa anumang aktibidad na may kinalaman sa mga bagay na maaaring magdala sakanila sa kapahamakan.
Hinimok din ng pamunuan ang mga kabataan na laging piliin ang tamang landas, dahil anila, ang paggawa ng tama ay nagbubukas ng magandang hinaharap.
Paalala pa nila na kapag nagsimula sa maling gawain, mahirap nang bumalik sa tamang direksiyon.
Kaya’t panawagan nila sa mga estudyante na makinig sa kanilang mga guro, magulang, at mga ahensyang nagbibigay-gabay upang manatiling ligtas at nasa maayos na landas.










