Ipinatupad sa Mangaldan NHS ang Aral Program na bahagi ng national reading initiative ng DepEd na layuning tugunan ang lumalalang suliranin sa kahinaan sa pagbasa at mababang comprehension ng mga mag-aaral.
Ayon kay Eduardo Castillo principal ng nasabing paaralan Sa isinagawang initial assessment, nasa kabuuang 1,754 Aral learners ang natukoy na nangangailangan ng dagdag na suporta sa pagbabasa.
Sa kabuuang bilang na ito, 305 mga mag-aaral ang naitalang talagang hindi pa nakakabasa. Karamihan sa mga ito ay mula sa Grade 7 at Grade 8, bagaman nakapaloob ang programa para sa Grade 1 hanggang Grade 10.
Dagdag ni Castillo, dito makikita ang malaking epekto ng pandemya, kung saan naging modular learning ang karaniwang mode of instruction, dahilan upang maraming mag-aaral ang magkaroon ng learning gaps sa literacy.
Nakitaan naman na umano ng malinaw na improvement ang mga estudyanteng lumalahok sa programa. Upang higit na masukat ang progreso, magsasagawa ang paaralan ng mid-SY assessment exam, na magsisilbing batayan ng pagiging epektibo ng implementasyon ng programa.
Kinakailangan umanong maipasa ng mga tukoy na studyante ang assessment para hindi na sila mapasama sa naturang programa.










