Umaabot na sa 44 katao ang nasawi sa isang malaking sunog na tumupok sa mga gusaling tirahan sa distrito ng Tai Po sa Hong Kong, at 279 katao ang hindi pa natatagpuan

Ayon kay Marlon “Pantat”De Guzman, Bombo International News Correspondent sa Hongkong sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog at inaalam pa kung sinadya o aksidente lang.

Inaasahan naman na malalaman sa lalong madaling panahon ang pinagmulan ng sunog sa tulong ng mga CCTV at dito na rin makikita kung may kapabayaan kaya nangyari ito.

--Ads--

Samantala, may tatlo nang naarestong indibiduwal na hinihinalang sangkot sa insidente.

Sinabi pa ni de Guzman mabilis kumalat ang apoy dahil sa mga materyales kabilang ang mga tuyong kawayan at polystyrene foam na nakapalibot sa mga under renovation na mga gusali.

SOP kasi doon na lagyan ng mga kawayan at net bilang protection.

Dagdag ni de Guzman, lahat ng flat ay may gas sa mga kusina na isa rin na nakikitang dahilan din ng mabilis na pagkalat ng apoy.

Umabot ng halos sampung oras bago naapula ang apoy.

Ang sunog ay itinuring na level five, ang pinakamatinding antas sa Hong Kong.