Inihayag ni Bien Gonzales, Secretary General ng ATOM 21 Movement, na nagpapatuloy na ang kanilang masinsinang paghahanda para sa nalalapit na Trillion Peso March sa darating na Nobyembre 30.

Ayon kay Gonzales, batay sa kanilang monitoring, posibleng madoble ang dami ng lalahok kumpara sa pagtitipon noong Setyembre 21, na tinatayang umabot sa higit 100,000 katao.

Inaasahan nilang magiging mas malaki pa ang bilang ng mga dadalo ngayong Nobyembre.

--Ads--

Aniya ang layunin nila ay gawing mas maayos ang pagtitipon kung saan lahat ng grupo ay properly coordinated at alam ang kanilang mga gagawin.

Binanggit din ng ATOM 21 Movement na ang kanilang nakaraang pagtitipon sa EDSA ay nanatiling payapa, organisado, at walang naitalang kaguluhan.

Ayon sa grupo, naging maayos ang koordinasyon sa lahat ng lumahok, at walang anumang insidenteng nakaapekto sa seguridad ng mga dumalo.

Hiling parin nila ang panawagan para sa accountability at transparency kaugnay ng umano’y malawakang korapsyon sa bansa.

Iginiit ni Gonzales na ang kanilang pagkilos ay nananatiling mapayapa at nakatuon sa pagsusulong ng mga reporma.

Dagdag pa nito na nananatiling matatag ang ATOM 21 Movement sa kanilang prinsipyo na sumunod sa Konstitusyon.

At hindi sila gagawa ng anumang hakbang na taliwas dito.