Pinaigting ng Mangaldan National High School ang pagpapatupad ng bag inspection matapos maharang kamakailan ang isang estudyante na may dalang patalim.
Mula nang simulan ang masusing pagbusisi sa mga dala ng mga mag-aaral, napansin ng pamunuan ang malinaw na pagbaba ng insidenteng may nakukuhang delikadong kagamitan.
Ayon kay Eduardo Castillo, principal ng nasabing paaralan, Kasama rin sa bagong patakaran ang paglimita sa uri ng gunting na puwedeng dalhin sa klase, kung saan tanging rounded-tip scissors lamang ang pinapahintulutan.
Nagdagdag din ng karagdagang security personnel upang mapabilis ang pagpasok, na nakatakdang matapos ang inspeksyon bago mag-7:30 ng umaga.
Anim na gate ang bukas kada araw, bawat isa ay may nakatalagang guwardiyang nakabantay sa galaw ng mga estudyante.
Dagdag ni Castillo, malaking tulong din umano ang regular na pagbisita ng PNP sa paaralan, lalo na sa pagtutugon sa mga isyu tulad ng bullying.
Tiniyak ng principal na nananatiling ligtas ang mga mag-aaral. Giit niya, patuloy na pinapanatili ng paaralan ang mga programang nakatuon sa maayos na pagpapatupad ng mga polisiya at maagap na pagresolba ng anumang sitwasyon na makaaapekto sa kapaligiran ng mga estudyante.










