Dagupan City – Naglunsad ng mga programang pang-kabataan ang Tmax Riders Club, isang pribadong organisasyon na nakikibahagi sa mga regional agency sa rehiyon 1 na kumakatawan sa iba’t ibang non-government organizations, bilang bahagi ng patuloy nitong adbokasiya para sa community engagement sa Northern Luzon.
Ayon sa grupo na pinangnguunahan ni Samson Ang, chairman at founder ng Tmax Riders Club, ang desisyon na paigtingin ang mga aktibidad para sa kabataan, ay ginagamitan ng pondong nagmumula sa mga miyembrong karamihan ay negosyante, kasama ang suporta ng iba pang sponsor.
Layunin nitong makapagbigay ng benepisyo at oportunidad para sa mga bata sa Region 1.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng grupo sa mga partner agencies tulad ng National Police Commission (NAPOLCOM), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Highway Patrol Group (HPG), Philippine National Police (PNP), Local Government Unit (LGU) at Department of Education (DepEd) para sa iba’t ibang proyekto at community programs.
Binibigyang-diin ng samahan ang mahigpit na pamantayan sa pagpasok ng miyembro, kabilang ang magandang ugali, pagiging makabuluhang kontribyutor sa lipunan, at kakayahang makatulong sa adbokasiya ng club.
Bagama’t walang 100 ang bilang nila, malawak ang network ng kanilang partner agencies.
Mula man sila sa National Capital Region (NCR), nakatali ang kanilang mga programa at pangako sa Region 1.
Samantala, kabilang sa kanilang mga inihahandang aktibidad ang pagdiriwang ng Women’s Month, Community Relations Month, National Crime Prevention Week, at mga programang nakatuon sa drug prevention, road safety, at iba pang gawaing pangkomunidad sa buong rehiyon.










