Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nababahala ang kanilang pamilya at maging ang kanilang mga kaibigan sa inaasal ngayon ng nakatatandang kapatid nito na si Senator Imee Marcos kasunod ng mga naging pahayag nit sa publiko.

Ayon sa Pangulo, hindi niya nais talakayin ang mga usaping pampamilya sa publiko ngunit kinailangan niyang magsalita dahil sa kanilang kinakaharap.

Iginiit ng Pangulo na ang nakikita at napapanood ng publiko ay taliwas sa tunay na katauhan ng kanyang kapatid, batay na rin sa obserbasyon ng kanilang mga pinsan at kaibigan.

--Ads--

Dahil dito, umiigting ang kanilang pag-aalala at umaasa silang agad na bumuti ang sitwasyon nito.

“It’s anathema to me to talk about family matters generally in public. I do not like to – we do not like to show our dirty linen in public.

So, I’ll just say this much. For a while now, we’ve been very worried about my sister. When I say “we”, I’m talking about friends and family. And the reason that is, is because the lady that you see talking on TV is not my sister. And that view is shared by our cousins, our friends.

Hindi siya ‘yan. Anong nang- hindi siya ‘yan. So, that’s why we worry. So, we are very worried about her. I hope she feels better soon,” pahayag ni Pang. Marcos.

Nang tanungin ang Pangulo kung nag-uusap pa ba sila ng kaniyang ate na si Sen. Imee , sinabi ni Pang Marcos na hindi sila nag uusap sa kasalukuyan at hindi na raw sila gumagalaw sa parehong mga grupo, maging sa larangan ng pulitika o pribadong gawain.

“ We don’t really – we no longer travel in the same circles, political or otherwise. So, no,” wika ng Pangulong Marcos.