Patuloy na pinalalawak ng Philippine Statistics Authority-Regional Statistical Services Office 1 (PSA-RSSO 01) ang kanilang operasyon para sa pagpapatupad ng National ID Program, lalo na sa mga pilot areas sa Ilocos Region.

Ayon Kay Christopher Flores, Registration Officer III, PSA-RSSO 01 opisyal ng ahensya, nagpapatuloy ang pagbisita at pag-monitor sa mga lugar na ito upang matiyak na maayos ang pagpapatala at naipararating ang serbisyo sa mas maraming mamamayan.

Bagama’t malawak na ang kanilang naaabot, aminado ang PSA na nananatiling hamon ang mga Geographically Disadvantaged Areas (GDATs) na mahirap puntahan dahil sa lokasyon o limitadong access.

--Ads--

Sa kabila nito, tiniyak nilang hindi napapabayaan ang mga residente sa nasabing mga lugar at patuloy ang paghahanap ng mga paraan upang maisama sila sa programa.

Matatandaang noong panahon ng pandemya, nagpatupad ang PSA ng iba pang alternatibong hakbang upang mapabilis at mapadali ang proseso ng pagpaparehistro.

Kabilang na rito ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay upang tulungang maihatid ang mga residente sa pinakamalapit na registration sites.