Mga kabombo! Isa ba kayo sa mga tinatawag na fur-mom?
Ang tanong hinahayaan niyo ba ang inyong mga fur-babies na makawala at bumisita sa kapitbahay?
Nako! Baka ito na ang sign para hindi sila hayaang mapunta sa kapitbahay?
Paano ba naman kasi, isang alagang pusa sa Hérault region ng France ang nauwi sa reklamo ng isang kapitbahay dahil sa umano’y madalas nitong pagpunta sa kanilang bakuran.
Ayon sa reklamo, nag-iwan daw ang ginger cat na si Remy ng mga yapak sa pader, umihi sa duvet, at nagkalat sa hardin.
Dahil dito, pinaboran ng korte ang reklamo at pinagmulta ang may-ari ng pusa na si Dominique ng ₱84,700.
May dagdag pang parusa kung muling madaanan ni Remy ang parehong bakod.
Dahil dito, tila nawindang ang owner na si Dominique.
At dahil nga sa takot na madagdagan ang multa, ikinulong na lamang niya sa loob ng bahay si Remy.
Giit pa niya, hindi rin napatunayang ang kanyang pusa talaga ang gumagawa ng reklamo ng kapitbahay dahil marami pang ibang pusang gumagala sa lugar, kasama na ang ilang stray. Ngunit hindi pinakinggan ng hukom ang argumento.
At hindi pa rito nagtatapos ang saga: nakatanggap muli ng subpoena si Dominique para sa isa pang pagdinig ngayong Disyembre.
Pinaniniwalaang muling nakatawid si Remy sa “kinatatakutang bakod,” at posibleng umabot sa karagdagang ₱136,000 ang multa at₱10,200 kada araw bilang penalty.
Umantig naman ang kakaibang kaso sa ilang French animal rights groups, na nagsasabing ang regulasyong ito ay tila paglabag sa natural na ugali ng mga pusa na gumala at mag-explore.










