Dagupan City – Nagtamo ng sugat ang isang 73-anyos na tricycle driver matapos pukpukin ng bato sa loob ng pamilihang bayan ng Balungao sa Barangay Poblacion.
Ayon sa ulat na natanggap ng Balungao Municipal Police Station (MPS) bandang 5:30 ng hapon, ang biktima ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan kaya dinala sa Rural Health Unit.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek, na kinilalang bilang isang 54-anyos, dahil sa pasahero.
--Ads--
Humantong ang pagtatalo sa pananakit ng suspek sa biktima gamit ang isang piraso ng bato.
Kasalukuyang inihahanda ang kasong serious physical injury laban sa suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng Balungao MPS sa insidente.










