Dagupan City – Nagpapaigting ang Simbahan ng panawagan para sa malawakang pagkilos sa nalalapit na Trillion Peso March sa darating na Nobyembre 30, na pinangungunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Binibigyang-diin ni Fr. Raymundo De Guzman na may malaking papel ang Simbahan sa paghikayat ng mamamayan na magpakita ng sama-samang tindig laban sa katiwalian sa pamahalaan.
Naniniwala si Fr. De Guzman sa lakas ng mamamayan lalo na kapag sabay-sabay na kumilos ang puwersang nakapaghahatid ng pagbabago sa gobyerno.
Sa gitna ng tumitinding panawagan para sa pananagutan at malinis na pamamahala, ibinabaling ng Simbahan ang atensyon ng publiko sa isyu ng korapsyon na matagal nang nagpapabigat sa ekonomiya at naglilimita sa serbisyong dapat ay nararamdaman ng taumbayan.
Hinimok ni Fr. De Guzman ang mga tagapakinig at manonood ng Bombo Radyo at Star FM na makilahok sa naturang pagkilos. Giit niya, mahalagang maipakita ng sambayanan ang pagkakaisa sa pagtulak para sa mas maayos na pamahalaan at mas matatag na sistema na may malinaw na pananagutan.
Nananatiling bukas ang Simbahan sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad at sektor na nagnanais magpaabot ng suporta, upang masiguro ang organisadong paglahok at ligtas na pagtitipon sa araw ng protesta.
Home Local News Simbahang Katoliko, umapela ng malawakang pagkakaisa kontra katiwalian sa gaganaping ‘Trillion Peso...










