Mas palalakasin ng Comelec Dagupan ang kanilang satellite registration sa susunod na taon.
Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, Election Officer ng Comelec sa Dagupan City, nakatanggap lamang ang tanggapan ng 707 aplikasyon simula noong umpisa ng registration period, na mas mababa kaysa sa inaasahan.
Ipinaliwanag ni Sarmiento na ang mababang bilang ay sanhi ng ilang pangyayari, kabilang ang mga nakaraang bagyo at ang prayoridad ng mga paaralan sa make-up classes.
Dahil dito, pansamantalang itinigil ang satellite registration habang nakatuon ang barangay sa post-disaster response.
Gayunpaman, tiniyak niya na magsisimula muli ang satellite registration sa Enero ng susunod na taon at mas paiigtingin upang maabot ang target na bilang ng mga aplikante. Para naman sa mga may kapansanan o PWD, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Comelec upang puntahan sila, kaya hindi na kinakailangang personal na pumunta sa opisina.
Saad pa nito na mahalaga ang maagang pagpaparehistro upang masiguro ang karapatan sa pagboto sa darating na halalan, at hinihikayat ang publiko na samantalahin ang oportunidad sa susunod na buwan.










