Mga kabombo! Gaano na nga ba kalala o karealistic ang AI o artificial intelligence?

Isang robotics company kasi sa China ang napilitang hiwain ang binti ng kanilang sari­ling humanoid robot sa harap ng publiko upang patunayang wala itong taong nagpapatakbo sa loob.

Ang kompanyang XPeng Motors ay nagpakita ng kanilang pinakabagong bersiyon ng “IRON” humanoid robot sa kanilang 7th XPeng Technology Day noong November 5.

--Ads--

Naging viral ang video ng robot na luma­lakad sa entablado dahil sa “lifelike” at tila mode­long naglalakad sa runway ang galaw nito.

Dahil nga napaka-realistic ng robot ay kumalat ang espekulasyon sa social media at sinabing tao ito at nakasuot ng robot costume.

Dahil sa tindi ng pagdududa ng mga tao, ang CEO ng XPeng na si He Xiaopeng, ay nag-post ng isang video noong November 6 bilang tugon sa mga maling haka-haka.

Sa nasabing video, ginamitan ng mga staff ng gunting ang “balat” na nakabalot sa kaliwang binti ng robot. Pagkatapos hiwain ang panlabas na cover at ang elastic na “muscle” fibers, lumabas ang metal na skeleton sa loob.

Matapos ang pagpapatunay, ang robot ay muling naglakad paalis sa entablado sa harap ng palakpakan ng mga tao.

Humingi naman ng panawagan ang CEO na sana’y ito na ang huling beses na kailangan patunayan na ang likha namin na si IRON ay tunay na robot.