Dagupan City – Nakumpiska ng mga awtoridad ng Dagupan City Police Office ang nasa 10.5 gramo ng hinihinalang shabu sa tatlong indibidwal sa isinagawang buy bust operation

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan mula sa City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), City Intelligence Unit (CIU), at Station 1 ng Dagupan City Police Office (CPO) sa isang lugar sa Lungsod ng Dagupan na may koordinasyon ang PDEA na naglalayong mahuli ang mga indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa iligal na aktibidad ng droga.

Kinilala ang mga suspek na isang 35-anyos na lalaki, may kinakasama, isang 28-anyos na binata, welder, at isang 27-anyos na binata, tricycle driver na pawang mga residente sa lungsod ng Dagupan.

--Ads--

Nagkakahalaga ang illegal na droga ng 0.5 tinatayang halaga na PhP71,400.00 na nakalagay sa apat na heat-sealed na transparent plastic sachets kasama din ang mga Non-Drug Evidence gaya ng isang PhP500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money at labing-anim na PhP1,000.00 bills bilang boodle money.

Kasalukuyang nahaharap ang mga suspek sa mga kasong may kaugnayan sa pag-aari at pagbebenta ng iligal na droga sa ilalim ng Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.