Ipinapahayag ni Dr. Glenn Soriano, US Doctor and Natural Medicine Advocate, ang kahalagahan ng tamang pamamahala ng stress bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay.
Ayon kay Dr. Soriano, ang stress ay isang pangkalahatang konsepto ngunit pangunahing salik sa iba’t ibang sakit ng tao.
Aniya hindi kailangan na dalhin o dibdibin ang bawat stressful na sitwasyon lalo na at may mga paraan upang mapanatiling maayos ang isip at katawan kahit may mga hamon sa buhay.
Binanggit din ng doktor na may responsibilidad tayo sa ating kapwa.
Kapag napansin mong may pagbabago sa kilos ng isang kaibigan o kamag-anak, maaaring sintomas ito ng stress, at mahalagang makialam nang maingat.
Gayunpaman, babala niya, ang sobrang medical consultation o labis na payo sa pasyente ay maaari ring magdulot ng depresyon o panganib.
Kayat ang 12 na simpleng hakbang para sa stress management ay mahalaga na kinabibilangan ng:
Self-awareness, Scheduling, Siesta, Speak, Sounds and songs, Sensation techniques, Stretching, Socials, Smile, Sports, Stress debriefing at Spirituality.
Ngunit higit sa lahat ay mahalaga rin ang self-prioritization at ang pagbibigay halaga sa sariling kalusugan.










