Dagupan City – Isa sa mga nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan Chapter sa publiko na makiisa sa taunang blood donation drive na “Dugong Bombo 2025: A Little Pain, A Life to Gain.”
Isinagawa ito ngayong araw November 15 kaninang ala-siyete ng umaga hanggang mamayang ala-5 ng hapon sa Nepo Mall Arellano St. sa pangunguna ng Bombo Radyo at Star Fm Dagupan katuwang sila at ng Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated.
Ayon kay Rex Vincent Escaño ang OIC and Chapter Administrator ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter na sa katatapos na kalamidad ay malaki ang pangangailangan para sa dugo sa mga ospital sa buong lalawigan.
Samantala, ayon naman kay JO1 Juvhit Salvador, ang 1st Successful Blood Donor sa katunayan aniya ay nasasabik itong magdonate ng dugo kaya inagahan na niyang pumunta sa Blood donation drive ng Bombo Radyo, dahil aniya malaki kasi ang naging tulong ng Philippine Red Cross sa kanila noong panahong nangangailangan sila ng tulong ng dugo matapos manganak ang kaniyang misis na agad agad namang tinugunan ng opisina.
Dahil dito hinikayat niya ang publiko na huwag matakot magdonate ng dugo dahil maganda rin ang benepisyo nito hindi lamang sa panahon ng pangangailangan kundi pati na rin sa kalusugan ng indibidwal.
Ang ang dugong bombo ay isang kilala at multi-awarded na blood letting event sa ating bansa sa nakalipas na dalawang dekada, ito ay naging kabahagi ng philippine red cross sa pagsagip ng buhay.
Sa pangunguna ng Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated at Philippine Red Cross ay matagumpay na naisasakatuparan ang nationwide blood-letting event na ito na sabay-sabay ginaganap in 25 key cities nationwide.









