Dagupan City – ‎Inanunsyo ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno ng Mangaldan ang matagumpay na pamamahagi ng ikatlong stipend para sa mga municipal scholars ng bayan kahapon Biyernes, sa Municipal Wellness Center.

Aabot sa 866 na iskolar ang nakatanggap ng kanilang monthly allowance na magagamit para sa kanilang pag-aaral.

‎Pinangunahan ni Mayor Bona ang distribusyon ng mga stipends, kung saan ang 600 high school scholars ay tumanggap ng tig-₱1,200, habang ang mga kolehiyo ay nakatanggap ng ₱2,000 bawat isa.

Ang pagkakaloob ng nasabing halaga ay isinagawa sa tulong ng Municipal Scholarship Committee at ng Office of the Municipal Planning and Development Coordinator (OMPDC).

‎Ayon sa alkalde, hinikayat niya ang mga iskolar na magsikap at magpursige upang magtapos at makatulong sa kanilang pamilya.

--Ads--

Pinuri niya ang mga mag-aaral sa kanilang dedikasyon at ang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

‎Patuloy ang pagbibigay ng mga scholarship at iba pang benepisyo sa mga mag-aaral sa bayan bilang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral sa bayan.