Dagupan City – Natagpuang wala nang buhay ang isang lola sa kanyang tahanan sa Brgy. Tapuac dito sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa Dagupan City Police Office (DCPO), natagpuan ng kanyang helper na nakahandusay sa sahig ang biktima at hindi na gumagalaw.
Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam ng helper ang insidente sa mga kapitbahay, na siyang nagreport sa mga otoridad
Kinilala ang biktima na isang 79-anyos na biyuda at residente ng nasabing lungsod.
Base sa salaysay ng mga kapitbahay at kaanak, dati nang dumaranas ng stroke ang biktima, na pinaniniwalaang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng DCPO, lumalabas na walang nakitang senyales ng foul play sa pagkamatay ng biktima.
Bagama’t pinaniniwalaan ng pamilya na natural ang pagkamatay ng biktima dahil sa kanyang edad at kalagayan, nagsagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang DCPO.
Samantala, nagpahayag naman ang pamilya na hindi na sila interesado sa pagsasagawa ng post-mortem examination o autopsy.










