DAGUPAN CITY- Nakaukit na sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas ang naging takbo ng buhay politika ni namayapang Juan Ponce Enrile dahil sa tagal nitong nanilbihan sa bansa.
Ayon kay Prof. Roland Simbulan, Chairperson ng Center for People Empowerment in Governance, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, magkahalong negatibo at positibo, at kontrobersyal ang buhay politika ni Enrile.
Aniya, maliban sa pagiging dating senate president, inatasan siyang maging defence minister noong panahon ng Martial Law sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Gayunpaman, ani Simbulan, naging makulay pa rin ang political carreer ni Enrile lalo na’t nasubukan nitong mamuno sa iba’t ibang departamento ng pamahalaan.
Giit niya, nakadepende na lamang sa pananaw ng isang tao kung mas papanigan nito ang negatibo o positibong pangyayari sa buhay ni Enrile bilang isang politiko.
Si Enrile ay sumakabilang buhay na kahapon sa piling ng kaniyang pamilya dahil sa pneumonia.










