DAGUPAN CITY – Kinondena ng Inter Call Center Association of Workers (ICCAW) ang kamakailang napaulat na sapilitang pagpapasok sa mga Business Process Outsourcing (BPO) employees habang nananalasa ang Super Typhoon Uwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay James Benedict Labrado, Officer ng Inter Call Center Association of Workers, hindi na bago sa BPO Industry ang ganitong kagawian bagkus ay isa na itong kultura.

Aniya, ‘business as usual’ ang nagiging kalakaran sa naturang industriya at hindi nabibigyan halaga ang kaligtasan ng mga empleyado.

--Ads--

Patuloy pa itong umiiral dahil sa kakulangan sa kamalayan ng mga empleyado.

Napipilitan din silang pumasok dahil sa kinakatakutang makansela ang kanilang leave at iba pang mga benepisyo at mapatawan ng santions o Notice to Explain (NTE).

Payo naman ni Labrado, upang matuldukan ang ganitong pangyayari ay dapat matiyak na maipatupad ang occupational hazzard ng mga empleyado.

Gayundin sa magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga empleyado sa kanilang karapatan.

Giit niya na maaari naman hamunin ng mga empleyado ang desisyon ng kumpanyan na patuloy ang kanilang operasyon, lalo na sa buwis-buhay na sitwasyon.

Kaya sa kanilang samahan ay suportado nila ang pagbibigay halaga sa kaligtasan ng mg BPO Workers at mabigyan sila ng boses laban sa mapang-abusong employers.

Gayunpaman, binigyan diin niya na hindi lahat ng BPO ay ganito ang pagtrato sa kanilang mga empleyado.