Pumanaw na ngayong araw si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa edad na 101.
Isa siya sa pinakamatagal na nagsilbi sa gobyerno ng Pilipinas, na may mahigit pitong dekada ng karera sa serbisyo publiko.
Si Enrile ay kilala bilang isang prominenteng legal at political figure na naging bahagi ng mga makasaysayang yugto ng bansa, mula sa Martial Law noong panahon ni dating Pang. Ferdinand E. Marcos Sr., hanggang sa EDSA People Power Revolution noong 1986 kung saan siya ay tumiwalag sa rehimeng Marcos.
Nagsilbi siya bilang kalihim ng katarungan, kalihim ng tanggulang pambansa, at ilang ulit na senador. Noong 2008, nahalal siya bilang Senate President at nanungkulan hanggang 2013.
Sa kabila ng kanyang edad, nanatili siyang aktibo sa politika at huling nanilbihan bilang Chief Presidential Legal Counsel sa administrasyong Bongbong Marcos.
Sa kanyang pagpanaw, nagwawakas ang isang makulay at kontrobersyal na kabanata sa kasaysayan ng pulitika ng Pilipinas.
Inaasahan ang paglalabas ng opisyal na pahayag mula sa kanyang pamilya at sa pamahalaan sa mga susunod na oras.
Political Career:
1954 – Nagsimula bilang Undersecretary of Finance sa ilalim ng administrasyong Magsaysay.
1966–1970 – Naging Secretary of Justice sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos.
1970–1986 – Itinalaga bilang Secretary of National Defense; naging pangunahing tagapagpatupad ng Martial Law.
1986 – Tumiwalag kay Marcos at naging isa sa mga pangunahing personalidad sa EDSA People Power Revolution.
1987 – Nahalal bilang senador sa ilalim ng bagong konstitusyon ng 1987.
1995–2001 – Muling nahalal bilang senador.
2004–2016 – Nagsilbi muli sa Senado; naging Senate President mula 2008 hanggang 2013.
2013 – Nagbitiw bilang Senate President sa gitna ng kontrobersiya sa pork barrel scam.
2022 – Itinalaga bilang Chief Presidential Legal Counsel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang kumpirmasyon ay mula sa anak nitong si Katrina Ponce Enrile sa post nito sa facebook account na may unang bahagi ng caption: “It is with profound love and gratitude that my father, Juan Ponce Enrile, peacefully returned to his Creator on November 13, 2025, at 4:21 p.m., surrounded by our family in the comfort of our home.”










