‎Mahigit isandaan pamilya sa Barangay Calmay, Dagupan City ang nakatanggap ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development matapos bahain ang lugar dahil sa malakas na pinagsamang high tide at storm surge na may pabugso-bugsong pag-ulan sa kasagsagan ng Bagyong Uwan.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, kabilang sa mga naapektuhan ang mga residente sa mabababang bahagi ng barangay kung saan umabot hanggang tuhod ang tubig-baha.

Agad na tumugon ang DSWD sa pakikipag-ugnayan ng City Social Welfare and Development Office para maipamahagi ang tulong.

‎Patuloy ding nagsasagawa ng assessment ang mga kawani ng lungsod upang matukoy kung may mga pamilya pang hindi nabibigyan ng ayuda.

‎Samantala, nananatiling alerto ang mga barangay tanod at rescue volunteers habang inaasahan ang pag-ulan sa mga susunod na araw. Pinapayuhan ang mga residente na maging handa at agad lumikas kung tataas muli ang lebel ng tubig sa kanilang lugar.