Nagpatupad ng price freeze ang ilang kumpanya ng langis bilang tugon sa hiling ng Department of Energy (DOE) na pansamantalang ipagpaliban ang pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel ngayong linggo.
Ayon sa DOE na ang price freeze ay epektibo lamang sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Uwan at Tino.
Isinagawa ang desisyon matapos ang ginawang pulong ng Oil Industry Management Bureau ng DOE kasama ang mga kumpanya ng langis.
--Ads--
Nakasaad sa Price Act na ang price freezes ay magiging epektibo lamang sa kerosene at LPG.
Magugunitang nitong Lunes ng magpatupad ang kumpanya ng langis ng ika-anim na linggong magkasunod na dagdag presyo sa kanilang produkto.










