Dagupan City – Nagpatupad ng pre-emptive at mandatory evacuation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Jacinto, kasabay ng mas pinatibay na koordinasyon sa mga kapulisan at Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan.
Isinagawa ang pag abiso sa mga lugar na tinukoy bilang mataas ang panganib sa pagbaha at pagguho ng lupa, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan
Ayon kay MDRRMO Officer Lilibeth Sison, nakatuon ang lokal na pamahalaan sa mabilis na pagpapalikas at maayos na paglalagay ng mga residente sa ligtas na lugar.
Nakaantabay na rin ang mga tauhan ng PNP at BFP para tumulong sa pagsasagawa ng clearing operations, pag-asiste sa transportasyon ng mga residente, at pagpapatupad ng kaayusan sa mga evacuation center.
Tiniyak ng MDRRMO na handa ang mga pasilidad at suplay para sa mga evacuee, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan, at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling kailanganin ang tulong o karagdagang impormasyon tungkol sa kalagayan ng panahon.
Home Local News San Jacinto MDRRMO, PNP at BFP nagpatupad ng Pre-emptive at mandatory evacuation...








