Ibinahagi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na nagpalabas na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kaugnay ito sa mga alegasyon ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Si Dela Rosa ang dating hepe ng PNP at pangunahing tagapagpatupad ng Oplan Tokhang.

--Ads--

Wala pang opisyal na dokumentong natatanggap ang Department of Justice kaugnay sa sinasabing warrant.

Nanindigan naman ang panig ni Dela Rosa na hindi na saklaw ng ICC ang Pilipinas mula nang bumitiw ito noong 2019.

Gayunpaman, iginiit ng ICC na maaari pa rin nitong imbestigahan at litisin ang mga krimeng naganap habang miyembro pa ang bansa.

Hanggang ngayon ay wala pang panibagong pahayag si Sen. Dela Rosa ukol sa nasabing development.