Dagupan City – Nagpulong ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas para paghandaan ang Bagyong “Uwan” (Fung-Wong).

Pinangunahan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at heads ng ilang departmento sa bayan .

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay inaasahang magdadala ng malakas na hangin at ulan sa Nobyembre 10-11. sa lalawigan.

--Ads--

Pinag-usapan at tinalakay dito ang mga hakbang ng Barangay at LGU para sa Kaligtasan ng publiko kabilang ang mgs sumusunod gaya ng:

Pagtalaga ng mga tauhan na handang rumesponde anumang oras, suriin ang mga kanal at daluyan ng tubig, Siguraduhing bukas ang Barangay Emergency Operations Center 24 oras, magbigay ng tamang impormasyon sa mga residente.

Sa LGU naman ay magpapatupad ng mga sumusunod gaya ng pagtataas ng bayan sa RED ALERT noong Nobyembre 9 ng 5 PM, Posibleng suspindihin ang klase sa Nobyembre 10, depende sa panahon, Isasara ang Villa Verde Road mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 11, 5 AM, Ititigil ang mga aktibidad sa turismo, lalo na sa Brgy. Malico, magsasagawa ng damage assessment sa agrikultura, kabahayan, at imprastraktura.

Tiniyak din na may sapat na pagkain sakaling kailanganin ang paglikas.

Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa lahat na maging alerto at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.