Naaresto ang dalawang katao sa magkahiwalay na operasyon ng Urdaneta City Police Station kung saan mahigit ₱500,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska.

Sa unang operasyon, naaresto ang 61-anyos na babaeng massage therapist sa isang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Domingo.

Nakumpiska mula sa kanya ang limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 65 gramo, na may tinatayang halaga na ₱442,000.00.

--Ads--

Bukod pa rito, nakuha rin ang buy-bust money, isang glass tooter na may residue ng shabu, at isang gray pouch.

Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay isang high-value individual sa usapin ng ilegal na droga at subject sa “COPLAN AGLOSOLOS.”

Samantala, sa isa pang operasyon, isang 58-anyos na lalaki ang naaresto sa bisa ng search warrant.

Nakumpiska mula sa kanya ang 13 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱88,400.

Narekober ang walong maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kaukulang kaso at kasalukuyang nasa kustodiya ng Urdaneta City Police.