DAGUPAN CITY- Hindi lamang ang mga tao ang apektado sa pagdaan ng Bagyong Tino kundi ang mga alagang hayop din.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Heidi Marquez Caguioa, Program Director ng Animal Kingdom Foundation, marami na silang natatanggap na paghingi ng tulong para sa mga alagang hayop na kinakailangan ng tulong.
Karamihan sa mga ito ay mula sa mga residential areas kung saan nawawala umano ang mga alagang hayop.
Pahirapan man ang paghahanap subalit, patuloy sila sa pagpapakalap ng impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng nawawalang alaga.
Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan na rin sila sa mga Local Government Units (LGU) upang matukoy ang mga vulnerable areas na nangangailangan ng tulong.
Maliban sa mga pagkain, nagdadala rin sila ng veterinarians upang suriin ang mga sugatan hayop.
Saad ni Atty. Caguioa, patunay ito na mahalagang mapabilang din sa Disaster Plan ng gobyerno ang mga hayop.
Samantala, nagpaalala siya sa mga pet owners na tiyakin kabilang ang mga alagang hayop sa agarang mailikas ngayong may nag babantang Super Typhoon na papasok sa bansa.
Gayundin sa mga pagkain na kinakailangan ng mga ito.










