Dagupan City – Aktibong lumahok ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Jacinto, Pangasinan sa ika-apat na kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa ngayong Nobyembre 6, 2025 sa San Jacinto Catholic School.
Pinangunahan ni MDRRM Officer Lilibeth P. Sison ang pagsasanay kasama ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Rural Health Unit at iba pang lokal na ahensya.
Sa aktibidad, sinubukan ng mga kalahok ang tamang paraan ng “Duck, Cover, and Hold” at ang mabilis na paglikas patungo sa mga itinakdang evacuation area.
Layunin ng drill na mapalakas ang kakayahan ng mga residente, estudyante at kawani ng pamahalaan sa pagtugon sa mga posibleng epekto ng lindol.
Bahagi ito ng pambansang programa ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council upang palawakin ang kultura ng kahandaan sa bansa.
Muling paalala ng MDRRMO San Jacinto ang pagiging alerto at handa ay sandata ng bawat mamamayan laban sa anumang
Home Local News MDRRMO San Jacinto, nakilahok sa ika-4 na quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake...










