‎Naghahanda na ang Mangaldan National High School para sa pagsisimula ng Division Meet 2025 bukas, Biyernes, kung saan dito mismo gaganapin ang opening ceremony ng tatlong araw na palarong paligsahan.

‎Ayon kay Principal Eduardo Castillo, inaasahan ang pagdalo ng mga delegasyon mula sa 22 bayan na magtatagisan sa iba’t ibang disiplina ng palakasan.

Inaasahang magiging masigla at mahigpit ang kumpetisyon ngayong taon, kaya’t puspusan ang preparasyon ng buong paaralan upang maging maayos ang takbo ng bawat kaganapan.

‎Bukod sa mga atleta, abala rin ang administrasyon at mga guro ng MNHS sa pagsasaayos ng mga pasilidad na gagamitin sa iba’t ibang sports events.

Pinatitiyak ang kaayusan ng bawat venue bago magsimula ang palaro bukas.

‎Tatagal ng tatlong araw ang Division Meet 2025 at ayon kay Castillo, ito rin ay bahagi ng Sports Development Program ng DepEd para hubugin ang talento ng mga mag-aaral sa larangan ng palakasan.

--Ads--

Inaasahan ding magiging maayos ang daloy ng mga aktibidad sa tulong ng koordinasyon sa pagitan ng mga paaralan at lokal na pamahalaan.