DAGUPAN CITY- Tiniyak ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na tuloy-tuloy ang progresong isinasagawa sa syudad upang matugunan ang problema sa basura.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, 70% ng mga darating na mini dump trucks sa syudad ay ipapamahagi sa bawat barangay.

Ito ay kasalukuyang nasa bidding process na.

--Ads--

Aniya, babantayan na lamang nila ang pagsasakatuparan sa bawat barangay ng tamang segregation ng mga basura.

Maliban pa riyan, ibinahagi rin niya ang tuloy-tuloy na progreso sa ipapatayong fun site sa dating dump site sa Tondaligan Beach.

Pinaghahandaan na aniya ang cleansing nito at back filling para sa pagtatanim pa ng mga puno, kabilang na ang buko at acacia.

Naniniwala si Mayor Fernandez na unti-unting masusulosyanan ang problema sa basura sa syudad sa pamamagitan ng pagtulong-tulungan.