DAGUPAN CITY- Hinihikayat ni Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya, na patunayan ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang transparency sa pag-iimbestiga sa mga kumandidato na tumanggap ng campaign elections mula sa government contractors.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, dapat matugunan ng Comelec ang pagiging independent commission nito at walang sasantuhin sa imbestigasyon.

Aniya, dapat nang isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga napadalhan ng show-cause order.

--Ads--

Inaasahan naman niya na madadagdagan pa ang listahan ng mga papadalhan nito lalo na’t umaabot sa higit-kumulang 40,000 ang mga ipinasang Statement of Contributions and Expenses (SOCE).

Sa SOCE makikita ang pangkalahatang ginastos at tinanggap na donasyon ng isang kumakandidato.

At dapat lamang mapanagot ang mga ito dahil malinaw naman na paglabag sa 1987 Omnibus Election Code ang ginawang pagtanggap ng pera mula sa mga government contractors.

Mungkahi naman ni Arao na palalimin pa hanggang 2022 elections ang imbestigasyon.

Dagdag pa niya, mas makakatulong sa imbestigasyon ang magkaroon ng ‘separate investigation’ ng mga kaugnay na ahensya.