Dagupan City – Masiglang sinalubong ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang ang unang Lunes ng Nobyembre kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month, na naging makulay at puno ng sigla sa pangunguna ng mga batang Bayambangueño sa isinagawang pagtitipon.

Sa nasabing aktibidad, umalingawngaw ang kasiyahan at pagmamalaki ng komunidad habang ipinamalas ng mga kabataang kalahok ang kanilang talento at pagiging inspirasyon sa lahat.

Bukod dito, sinimulan rin ng lokal na pamahalaan ang linggo sa pamamagitan ng digital inovation matapos pangunahan ng alkalde ng bayan na si Niña Jose-Quaimbao ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa Enhancement of the Bayambang Community Card na isang hakbang patungo sa mas epektibo at makabagong serbisyo publiko para sa bawat residente.

--Ads--

Sa pamamagitan ng proyektong ito, layunin ng pamahalaan na mapahusay ang sistema ng pagkakakilanlan at access sa mga programa at benepisyo ng bayan.

Patuloy na nagpupunyagi ang Pamahalaang Bayan ng Bayambang sa pagbibigay ng Total Quality Service para sa lahat ng mamamayan.