Dagupan City – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang 40-anyos na negosyante sa bayan ng Rosales matapos maaresto ng kapulisan.
Kinilala ito bilang residente ng Rosales kung saan ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Rosales Municipal Police Station sa bisa ng search warrant na inisyu noong ika-28 ng Oktubre, 2025, ng Regional Trial Court, Branch 51 sa Tayug, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng pulisya, nahuli mismo ito sa loob ng kanyang bahay kung saan natagpuan at nakumpiska ang mga ibat ibang klase ng baril gaya ng Isang (1) .38 revolver (Smith and Wesson), Isang (1) .45 pistol (Armscor) na may serial number, Apat (4) na bala ng 9mm, Labingtatlo (13) na bala ng .45, Dalawang (2) magazine para sa .45 pistol, Isang (1) maroon na coin purse at Isang (1) itim na bag na may tatak na U.S. Army
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa Rosales Police Station at nasa kustodiya na ng pulis ang mga nakuhang baril habang inihahanda ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanya dahil sa nasabing paglabag.










