Dagupan City – Mga kabombo! Isa ka ba sa mga excited sa tuwing sumasapit ang sahod day?
Nako! Baka sa sobrang excite mo, makuha mo pati sahod ng katrabaho mo?
Ito kasi ang nangyari sa isang worker sa Russia.
Ayon sa ulat, kinasuhan ng isang pabrika sa Khanty-Mansiysk, Russia ang kanilang empleyado matapos nitong tumangging isauli ang mahigit 7 million rubles (5.1 million pesos) na maling na-transfer sa kanyang bank account dahil sa isang “software glitch”.
Kinilala ang worker na si Vladimir Rychagov.
Bukod kasi sa inaasahan niyang 46,954 rubles para sa vacation pay, nakatanggap siya ng dagdag na 7.1 milyong rubles.
Ayon kay Rychagov, may mga tsismis noon na magbibigay nang malaking “13th salary” ang kompanya dahil maganda ang kita nito, kaya inakala niyang bonus ito.
Gayunman, agad siyang tinawagan ng accounting department at sinabihang isauli ang pera dahil pagkakamali lang ito.
Ang pondo ay para sana sa sahod ng 34 na empleyado sa ibang branch ng kompanya.
Ngunit imbis na isaulim aba! Tumanggi si Rychagov at nagbigay ng kakaibang paliwanag:
Depensa niya, base sa research nito sa internet, nalaman nitong kapag ‘technical error’ daw ito, ay naasa sa kaniya pa rin kung ibabalik niya ang pera.
Dahil sa paniniwalang ito, ginamit ni Rychagov ang pera para bumili ng bagong kotse at lumipat ng lungsod kasama ang kanyang pamilya.
Agad na nagsampa ng kaso ang kompanya at na-freeze ang kanyang mga bank account.
Pumanig sa kompanya ang mga naunang korte at ang court of appeals, at inutusan si Rychagov na ibalik ang pera dahil hindi ito maituturing na sahod.
Nauna nang itinanggi ng CEO ng kompanya na mayroong “13th salary” at tinawag itong isang “erroneous transfer.” Sinabi nilang gagawin nila ang lahat ng legal na paraan upang mabawi ang pondo.









